Header image header image 2
 
  ||TRUE STORY ||

BEAUTIFUL SPOTS
IN YAMANASHI-KEN

ZenCafe Studio

Inspirational Talk by V.O

Positive Thinking 1

Positive Thinking 2

Positive Thinking 3

Positive Thinking 4





TRUE STORIES (SHARING EXPERIENCES OF LIFE IN JAPAN)

WHAT IS A MOTHER?

VAMPIRA MAGINGAT!

IKAW BA ITO?

PAANO KUNG WALA KANA ?....

PASAPORTE( FAKE PASSPORT)


INAY, HUWAG MO AKONG IWAN!

MISCELLANEOUS (RANDOM)

HOROSCOPE

LAST RESPECT (MONTHLY UPDATED)
*****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************


WHAT IS A MOTHER?

A Mother has so many things to do from washing, ironing, cleaning to tying a shoe.
She Scrubs, she mends, she cooks and sews, she bathes the children and washes their clothes.
When they forget to wash their faces clean, and their clothes are the muddiest youve ever seen, Who repairs then scrub them like new?

Of course, that is what a mother will do.

Who becomes the doctor or the nurse when they are ill, Applying a bandage or giving them a pill?
Who becomes a teacher when a child has homework?

She must never her duty shirk. Who becomes a detective to find a toy or a book?
For missing things she must look and look?

Who becomes a listener to every heartache, to every accompolishment that a child makes?
Who scolds their children when they are naughty or remind them of God when they are too haughty?
Who tends her family with love and patience, too? Of course that is what a Mother will do.


*****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************


VAMPIRA

Ano ang klase ng VISA mo?  NIKKEIJIN ba? (as Japanese descendant) Narito ang isang tutuong pangyayari tungkol sa NIKKEIJIN VISA.. Lumapit ang isa sa mga kasamahan para humingi ng tulong sa kadahilanang napag-alaman ng immigration na hindi siya tutuong NIKKEIJIN. Ayon sa kanya, dating siyang overstayer dito sa  Japan at kumikita ng malaki sa pag tatrabaho sa construction (as Gemba boy).

 Inalok siya ng isang vampire (fixer) kung gusto nya magka visa ng matagalan sa halagang mapapagkasunduan nila.

Alam natin ang magiging income mo dito sa Japan ay malaki basta masipag ka lang (huwag lang sobra). Pumayag siya sa kasunduan sa halagang ? (ayaw pasabi). Sumuko sya sa awtoridad dahil nga overstayer, Naka uwi sa pinas at nakabalik as NIKKEIJIN (bigat diba?) tumagal ng dalawang taon ngunit sinawing palad dahil nabuking..! Paano? Nasangkot sa gulo,nadala sa awtoridad at nahalungkat ang record, ang ginagamit niya palang pangalan ay may-asawa at nandito na rin sa Japan. Ito ay dahil hinahanap sa kanya at tinatanong ang pangalan ng asawa nung ginamit niyang pangalan na wala siyang kaalam-alam.wala siyang masagot???? To make the story shorter,Nabuking siya at ito na Back to Philippines.! Yung Babaeng vampire(fixer) nawala na, di na makita dahil malaki na ang nahigop na dugo! Isang biktima rin gamitin ang pangalan nung asawa ng pangalan ng nikkejin niyang ginagamit na wala siyang kaalam-akam. Kaya pala noon niya lang na realize na bakit 2 beses hiningian siya nito ng tax declaration at work certificate, at pagkatapos noon ay di na nya nakita ang negosyanteng vampira. Kaya mga kapatid at kababayan ko huwag mag pa dalos dalos. Lagi nating tandaan na ang masama at di magandang gawa ay madaling makamtan pero madali din ang hangganan nito. Ngunit ang malinis at magandang gawa ay matagal man makamit ay walang hangganang ligaya. Hanggang ngayon, marami-rami pa rin ang ganitong negosyante INGAT LANG PO! Baka mahigop ang dugo mo masama pati buto sa mga naglalakad na Vampirang negosyante at baka maging isa ka sa BIKTIMA! NEGOSYANTE ng mga NIKKEIJIN na FAKE. Anonymous

Makonsensya ka naman !

*****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************




IKAW BA ITO?
( pa lipat lipat ng trabaho.......................................... )

Nagsabunutan
nagmurahan nagkasakitan at ang nakakahiya ay parang mga bata may kampihan pa.
May maganda bang effect ? Wala ..as in walang wala
kung di dagdag wrinkles at sayang oras lang, si kabayan ayan na! takas sa
pagsubok ng buhay,trabaho type nang iwan at lumipat na lang ng ibang trabaho..??
Advice na hindi kaaliw-aliw sa mga pangyayari..!

Ang tanong bakit nangyayari ang mga bagay na ito? Ito po ang
nakikita at napapag-alaman natin dahil sa mga sitwasyon, madalas ay kailangan po
natin gumitna para ang bigat na pananaw ng ating kapwa tao ay maliwanagan at
maging positibo sa pang araw-araw,,ito ay knowledge grasya galing sa Panginoon
na makapagbigay ng konting suporta sa kapwa tao habang nabubuhay.

Unang kaso, may tumawag galit at umiiyak,at lahat yata ng badwords
against sa kapwa tao natin ay nasabi na, nakinig lang po tayo para ma ibaba nya
ang lahat ng galit nya ! Let me say 10 minutes ,ooooops medyo masakit na sa
tenga ha but siyempre with this kind of situation, tao lang siya na natamaan ang
ego at ang puri nyaMeron ba ? joke joke lang po. Cool na siya kaya ako
nakapasok na masabi sa kanya na ang buhay ay punong-puno ng pagsubok at ang
pagiging positibo sa pang araw-araw,kaparis ng nangyayari ngayon sa kanya,
nagalit siya sa kadahilanan na ang balitang nakarating sa kanya na siya ay
nagsalita ng isang bagay na below the belt sa isang kababayan,alam naman natin
ang ibig sabihin nito,TSISMIS but sa kanya ni hindi nya matandaan kung nasabi
niya nga ito, but tungkol dun sa kabayan, na nagpahaba at nagkabuntot na
ikinagulo nilang mag best friend. Yan na nga ba ang sinasabi ko,yung best
friend ay minsan enemy, pero pwede pa rin mangyari na itong best friend mo ay
maging friend mo parin kung ang fried chicken mo ay ibaba,ere or pride. We
should be proud na pinag usapan ka nila dahil sikat ka,parang artista pag
walang chika,e hindi ka na star kung di starMARGARINE.smile lang
kapatid,tandaan mo GOOD or BAD STAR VIVA KANA! Napatawa siya kaya marami rami
ang nasabi natin na positibo !Until she changed her mind na LUMIPAT ng trabaho
from one place to another and most of all naging positibo na ang mind niya sana
diretso na tita baka makapasok na naman si nega as in negatibo utak,.. BAGONG
BUHAY ,bagong pananawa at malagpasan
natin ang sakit at galit sa kapwa natin. Mahalin mo ang iyong kaaway lalo na't
alam mo na lumilihis sya ng landas at pakikipag kapwa tao, ganyan lang ang
buhay kahit saan ka pumunta may mga pagsubok,problema at ibat ibang sakit,
inis,asar pero kabayan ito ay nangyayari kahit
kanino habang nabubuhay. Huwag mong layuan or taguan harapin mo sa positibong
pag iisip at makikita mo na lahat nng magagandang bagay na gusto mong makamtam
at mangyayari sa buhay ay iyong makakamit without knowing ayan na pala ang
magandang grasya na pinapangarap mo ay bigla na lang darating sa iyo,as if may
kasabihan nga ang taong walang problema ay patay na! Kaya nga mga kababayan ko
samahan natin ng dasal huwag tayong makalimot na mag pasalamat sa Panginoon sa
pang araw-araw nating buhay. Kung may panahon nga po tayo sa pamamasyal
,pagkain ng masarap ,shopping ,lovelife at marami pang iba. I bigay natin ang
ilang minuto sa araw-araw at tayo ay mag pasalamat at hilingin ang kaluwagan ng
atin damdamin. Mahalin po natin ang atin kapwa ,para di po tayo mag pa
lipat-lipat ng trabaho.




*****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************




PAANO KUNG WLA KANA ?...(padala sa pamilya )


Dumating ako para magpahinga ng kaunti, mag wash-wash at gumawa ng obento papunta ulit ng trabaho, katawan at isip Pagod man o hirap kailangan kumita, ito po ang kwento ng isang kabayan natin! Ito po ang kanyang buhay dito sa bansang japan!

Bata pa nang siyay dumating dito sa japan, tumakbo or visaya (as in Wala Visa) Mulat sapul ang paglabas sa sariling bansa ay upang makatulong sa Pamilya.

Pinagpala, maraming trabaho dito sa japan, Kaliwa`t kanan ang kita, dahil na rin sa walang tigil na pangangailangang ipadala sa pamilya! Siyam na taon ang lumipas, nakaramdam, na sobrang sama ng pakiramdam, na dumating sa hangganan kailangang ma confine, Ano ang resulta,,,! lumabong mata na kailangang operahan, hindi lang isa o dalawang operasyon!  dahil sa sobarang kasipagan at kinita ay kinulang pa ng dumating ang kagipitan. Ayaw humingi ng tulong para matustusan ang pagpapagamot. Sa ngayon ang ating kababayan na ito ay pinagpala pa rin dahil nakapag-asawa ng isang mabait na hapon. Napagkalooban na sya ng visa at natawag pa at nakasama na ang nag-iisang anak mula sa Pilipinas.

subalit lumalaban pa rin sya sa mga pagsubok sa kanyang katawan na kina kailangan ang ibat-ibang operasyon.

(sobrang sipag!)

Mga kababayan, ang pagsuporta sa pamilya ay

nakaugalian na natin at may kasabihan nga na mas malapit ang grasya kung tumutulong ka sa Pamilya,,, Totoo yun! Pero kaparis natin nasa ibang bayan,, bakit natin kailangan pilitin abusuhin ang ating katawan, para makatulong sa pamilya! Walang ibang tutulong at mag mamahal sa atin kundi ang atin sariling dugo, (sabi ng iba depende sa pamilya)at ang tutulong sa kanila ay walang iba kundi tayong nangingibang bansa, pero pano na kung WALA KA NA? O di kaya BALDADO na. Problema ka na Pamilya pati pa ng Bansa, Pag katawan ay inabuso mo ang Kapalit nito ay sakit na hindi mo maisip kung bakit, bakit, bakit???

Ang sagot mas makakatulong ka sa pamilya kung ilalagay mo sa lugar, ang ating hiram na katawan! Habang ikaw ay Nabubuhay ! at hindi kaagad darating ang pag aalala mo na  PAANO  NA KUNG WALA KA ġġġġ.?

PADALA SA PAMILYA!!



*****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************


PASAPORTE ( ano ang halaga nito ..?)


May mga kababayan tayong and tawag ay NIKKEIJIN. Sila ay mga pamilyang may dogongu Hapon. Produkto man ng giyera o anu mang panahon.!

Sila ay nakilala ko sa isang pagkakataon. Natatakot, nalilitohindi alam ang gagawin. Tanging Alien Card and dokumentong hawak. Ang pasaporte mo nasaan?..Kinuha ng Broker. Ha? Nakakabigla Sa patuloy na pag-uusap, aking napag-alaman, sila ay na-recruit ng broker sa Pilipinas.

Paglabas ng airport paseportey kinuha. Dahil bago sa Japan, silay walang alam,walang kakilala. Nihonggo Wakaranai pa! Ang akalay utang na loob, oo at oo lamang and alam isagot. Ngunit nagising ang Gaijin! Nalaman ang karapatan, ploblem sa broker dinala sa maayos na usapan. Sa halip na naayos,broker ay sumagot , Bakit, tatakas kayo? kontratay ipinakitagaijin may utang pa at 2 taong nakakontrata! Gaijin nabigla! Blankong papel na pinirmahan sa pagtiwalang para iyon sa pagkuha ng papeles ay isang atibong pala. Ang pamilyay walang nagawa. Desisyong tumigil sa broker ay ginawa! Nakalulungkot ngunit ang biktimay nanahimik.

Mga kababayan ko, hanggang kailan tayo magpapadala sa ganitong pangyayari? Tumayo at magsalita upang ang isang baluktot na gawain ay itama. Broker na MAPAGSAMANTALA ay isuplong upang makinabang and susunod na Generation.

Halika kapatid ko! Bisig mo ikapit sa bisig ko. Sa mahimbing na pagkakatulog ay gumising upang ang tunay na sikat ng araw sa bansang Hapon ay ating matanaw.




****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Inay, Huwag mo Akong Iwan
!

Bad trip talaga as in
NAKAKA ASAR!!! BAKIT?... Nanay ko puro sermon... PATI SWELDO KO binabawasan at HIGIT SA LAHAT MARAMING BAWAL! Mga binibitawang salita ng ilang sa mga kabataang nandito sa Japan! (mga batang lumaki sa Pinas naihabilin ng magulang, at ngayon ay nasa Japan na) Marami sa ating mga kababayan ang nakapagasawa ng hapon, at nalaman na pwedeng makasama ang mga anak na naiwan sa Pinas. As in for good! Makakasama ng mahabang panahon with proper visa, pero ang tanong, alam ba ng mga batang ito ang BUHAY at KULTURANG dapat, kailangan sundin at alamin pagdating sa Japan?

BATANG LALAKI at INA PANGARAP NATUPAD...! 17 years old siya ng dumating sa Japan lumabas ang visa as tourist, habang nasa bansang Hapon, napalitan ang visa as LONG TERM*, pangmatagalan*(bongga ka iho!) nang mainip sa bahay, naaasar na walang tropa at nagsimula na ang trahedya, nalungkot dahil duon na niya nakita ang kulturang dapat niyang sundin, di aplikado sa kanya, walang kaibigan, walang tambayan kaparis sa Pinas, konting anda (pera) masaya na, dito sa isang (1) lapad kulang ang saya at contentment, kaya naisipan ng ina ipasok sa trabaho, na kahit hindi marunong mag Hapon ay sinuwerte, napasok sa trabaho basta maayos na visa. Dumating ang simula ng trabaho, pumasok sa unang araw hanggang ilang buwan nag request sa ina na mag bed space na lang. Dun na nagsimula ang trahedya, mga kapwa kabataan na nasa Japan ay nakilala, naging tropa, at nagkaroon ng relasyon(syota baga!) nalaman ng magulang ok! Di hadlang(dahil hadlangan man eh malaking giyera yan) so ok lang si madir...! Subalit sa kadahilanang hindi kayang dalhin ang nararamdamang, selos sa relasyon, tampo sa trabaho, pamilya at ina,duon na nagsimula ang ka BAD TRIPAN sa pagiging tao... uuhhhhh! As in marami ng dahilan at pumapalya na sa trabaho, lahat ata ng sakit ay nasabi na masunod lang ang katamaran ng katawan!!!
KAWAWA naman tong batang ito dahil yung mga sakit na sinabi niya sana hindi karma sa katawan o pamilya niya... as in mahirap ang nasanay sa pagsisinungaling(cancer yan!) baka hindi mo nararamdaman dumidikit na yan sa buto mo mahirap na matanggal. (alam naman natin ang cancer mahirap mapagaling lalo na pag tinira ang buto mo)... TANDAAN natin na kung GUSTO MO MAY PARAAN KUNG AYAW MO MAY DAHILAN and most of all GOD IS ALWAYS WATCHING US!

Ang masama pa nito nag kaisa pa ang mga kabataang ewan...! mga sama ng loob nila, lungkot, pagod, kulturang hindi masakyan ay nagbigay ng hindi magandang paniniwala sa pang sarili nilang damdamin, umulit-ulit ang masamang habit ng kabataang ito, mahirap na makaunawa kahit ano pa ang sabihin mong salita para malaman nila at magpasalamat sa panginoon at magulang na ang pagdating nila sa bansang hapon ay para mapaayos ang buhay nila at makatulong sa pamilya kahit sa konting halaga, Pero ano ang nangyari? sinaway ang magulang, sinagot sagot at pag nakatalikod, duon ipagkakalat na masama ang kanyang INA. Ang naramdaman niyang pang sarili lamang kaligayahan, at siyempre palipat lipat ng tirahan at mapasukan na kung saan nakikitira (ooooooooooooooooooopppsss! Nakakabayad naman paminsan minsan?) malakas ang loob diba?
Proper visa kasi! Na hindi naisip kung ano ang nagbigay sa simula palang, at isa pa bata may kasabihan "Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan"...

kaya ayan...! Cellphone na nasa pangalan ng magulang, sa sobrang katawagan at text sobrang laki halagang bayarin na hindi na kayang bayaran, na blacklist si Inay pinilit pagtakpan ang mahal na anak sa asawa sa sumbat! Na BAD ang nangyayari, pag-uugali, pananaw ng anak na naging pasaway sa mundo, ngunit nalaman parin kaya lalong naging mahigpit ang asawang Hapon. Ang Inay, samot-samot na salita, sama ng loob galing sa asawa, anak, at ng mga taong iniistorbo ng anak na dinala sa Japan. Iyak, tawag sa pamilya sa Pinas. Sila na lang ang naging gabay ng inang nagdadala ng sobrang pag-iisip at sama ng loob sa araw-araw. Minahal na anak, hindi akalaing magiging mitsa ng lungkot ng masamang trahedya ni Inay. Batang Pasaway sa japan, bakit at ano ang pagkukulang ko sa pinakamamahal kong ANAK!, PILIT NA INISIP AT TINATANONG NG INA, sa sarili niya, nung maliit pa ang pinakamamahal niyang anak ay walang ginawa kundi umiyak at laging sinasabi na*("INAY SAMA KO SAYO HUWAG MO KONG IWAN") puno ng luha at habol sa Ina! halos mahubaran pa ang ina sa airport sa kahihigpit sa kanyang damit. Labag man sa loob ng ina na siya ay naiwan... Para mabigyan lang si anak ng magandang buhay ay nagiibang bayan! Pero ano na ngayon ang ginawa ng kabataang ito? Nang matupad na kasama ang ina ito
PAGPAPASANIN LANG PALA NG KRUS PAGDATING NIYA DITO!

NABALIW si ina sa sobrang isip, paghihirap ng buhay, walang tigil na sakit ng damdamin! At bukod sa lahat- kahihiyan na maya`t-maya mga tawag sa ibat-ibang sekto ng Japan na galit sa anak at masasakit na salitang natatanggap napag-alaman na ito ang mga taong kumukupkop at tumutulong sa anak pero ano ang iniwan nito? Utang, problema at gulo... ANO KA BA BATA?! kailangan pa bang mangyari ito... Magsisi ka man ay wala na. Dahil hindi na ganun kadali maibalik ang pagiisip ng iyong mahal na Inay "magbabago ka na? Bago mahuli ang lahat... Gising ka ba? O nagtutulugtulugan lang? Huwag mo nang hintayin diretso mawala si Inay". Nakulong na si ina sa sakit at nawala na rin si sponsor(Asawa ng ina- hapon) na nagbigay na matupad niya pangarap(VISA) at hindi maging isa sa naghihirap sa MUNDO. Sa makasariling ugali ano sa tingin niyo ang mararating ng batang ito, kahit tumagal man ang visa niya kung ang pananaw niya ay para sa pansariling damdamin lamang niya, puno man ng iniiibig or pag-ibig madalas magiging panandalian lamang ito, May liwanag kaya siyang mararating? Kung ganito lamang ang takbo ng kanyang PUSO, PAGIISIP, DAMDAMIN AT HIGIT sa lahat ang pagkalimot sa INA. Wala kundi sandaliang ligaya at walang katahimikang problema...

BATA, magisip ka! Isipin mo ang iyong INA, na nagsasakripisyo maski' di gusto mawala'y ka sa tabi niya nung maliit ka mabigyan ka lang ng magandang buhay at hindi ka mapasama. Tignan mo ang mga kababayan nating gagawin ang lahat makalabas lamang ng bansa, pero ikaw walang hirap, kundi ang sarili mong damdamin na hindi marunong umunawa, Bata, baliktarin natin! ikaw ang Ina at ang iyong Ina ang anak. Naiisip mo ba ang iyong ginagawa? Pinagdadaanan? At dadaanan habang nabubuhay? ANG SAMA ANO? Di natin ito bansa o bansa man natin kung ang klase mo ang lahat ng kabataang magpapalakad ng bansa. Sa tingin mo may magandang mangyayari sa bansa? MERON BA ??? MASKI SA PANAGINIP WALA ANO? kung ang buhay mo ay lalo binababa dahil sa mga happening na feeling ONE DAY MILLIONAIRE etc... Paano na pagka bumuo ka ng sarili mong pamilya ikaw ba ang klase na magbibigay ng magandang halimbawa sa anak? O ang lahi mong binuo ang magsasabog ng kasamaan at katamaran sa mundo?... And for sure imbes na ikaw ang haligi ng bahay ikaw pa ang ANAY na buong kabahayan, at isipin mo na ikaw ay hindi rin laging bata, baka magising ka ay kung kailan kulubot ka na or may sakit na. Walang totoong mag-aaruga at magmamahal sa iyo.

ABA! Mag-isip ka! PAG-IBIG? HAPPENINGS? Marami yan MAGULANG AT SARILI MONG DUGO isa lang, mahalin mo ang pamilya mo para mahalin ka rin ng iba! Huwag mong hintayin magsisi ka sa huli, titigan mo ang ginagalawan mong mundo... JAPAN, May pagsubok pero mas maganda ang tinatanaw. Alalahanin mo ang mga naghihirap na kabataan sa bansa natin. Pilitin mang gumanda ang buhay nila ay wala pa rin(Meron man, bihira). Pagyamanin mo ang iyong kabataan, dahil kayo ang pagasa ng susunod na henerasyon, huwag kang padala sa makamundong pananaw o kaalaman! Oo! tao ka lamang nagkakamali at naliligaw ng landas, pero oras na para hindi lalong maging huli ang lahat, Samahan mo ng dasal sa Panginoon na huwag ka niyang pabayaan na malulon sa mga masamang paguugali at tanggalin ang pagiging makasarili, Alalahanin mo! Panandalian ang bawat bagay sa mundo at kung ito ay nakuha sa hindi magandang paraan at hindi pinagsikapan, sa isang iglap pwede ring bawiin at mawala sa atin ito. HIHINTAYIN mo pa bang MAWALA SI INAY bago mo malaman ang halaga niya sa buhay mo! Ano ang ginawa mo kay inay? mga batang pasaway, Pagmamahal sa Ina ang unang hanapin, dahil kung wala si ina, wala ka sa mundo. Maraming kaibigan, maraming pwedeng maging asawa, pero ang INA iisa lang sa mundo! Mahalin mo si inay at nandyan ang pagpapala.

Di pa huli ang lahat! Tumindig ka at mag-umpisa habang may lakas pa ang iyong kabataan. Huwag mong hintaying maging huli na ang lahat, hindi mo alam ang bukas. Muling ala-lahanin ang mga dampi at yakap ng iyong ina nung ikaw ay bata pa. Ngayon mong ipadama na meron siyang anak na pwedeng dumamay at handang magbago kasama ang nagiisang INA dito sa mundo. Muling pakinggan ang tawag na mula sa
Pusong nag aalala. ANG IYONG PINAKAMAMAHAL NA NANAY!
****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************


Miscellaneous

~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~



The best thing to give to your enemy is forgiveness;
To an opponent, tolerance;
To a friend, your heart
to your child, a good example;
to a father, difference;
to your mother, conduct that will make her proud of you;
to yourself, respect;
to all men, charity.


****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************
Joke / Jodan



Q. Sino ang taong gusto mong kalimutan?
A. Siyempre yung... pinagkautangan mo ng pera...diba!

Q. Sino naman ang taong hindi mo makalimutan?
A. Eh, di sino pa...? yung taong di nagbayad ng utang
"kaya mga kababayan bago mangutang siguraduhin niyo na alam niyo ang condisiones baka pag-bayaran e yung nagpautang pa ang masama, kung me tubo man yan dahil siyempre pinagpaguran din yan! At baka sa galit di ka nag bayad, isumpa ka matamaan ka ng kidlat... Sunog si balat"

Jose: "tanong... Sinong pinaka mahirap sa mundo?"
Pedro: "PULUBI!"
Jose: "MALI! Bulag kasi walang kita! Eh sino naman ang malakas kumita?"
Pedro:"Businessman?"
Jose: "Mali! Duling kasi doble ang kita! Eh sino naman ang pinakamayaman?"
Pedro: "MILYONARYO!"
Jose: "Mali! Prostitute kasi kita lahat!

Nakasakay sa FX ang mag-ina, naiinip ang ina dahil di pa puno ang laman ng FX(alam naman nating pag di puno ang FX di papasada). Sa sobrang inip ng ina nagsalita pagalit at sinabing.. "MAMA PAKI ANDAR NO NA IBABAYAD KO NA LANG ITONG BATA!"
Nagiiyak bigla ang bata ng malakas."Bakit ka umiiyak?", sabi ng ina. "HUWAG NYO PO AKONG IBAYAD SA MAMA!" HAHAHAHA "True story po ito"





****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Mag-ingat! Itoy isang paalala sa puso para sa ating kapwa Foreign Nationals. Noong nakaraang taon(2006), isang pangyayari ang lubhang nagkaroon ng malaking epekto sa ating trabaho. Isang anonymous broker ang nag-supply ng maraming manggagawa sa isang kumpanya. Ang broker na ito ay nag-offer ng mataas na sahod at higit na mababang presyo ang siningil sa kumpanya.

Dahilan ito upang mabaling ang pansin ng kumpanya sa broker na ito. Sa kabila ng mga pangyayari, ang ating mga kasamahan ay patuloy na nagpakita ng sipag, katapatan, at pagmamahal sa trabaho.

Nakalipas ang ilang buwan, bumulaklak ang balita. Ang broker ay hindi nagbibigay ng sahod sa loob ng ilang buwan at tumatanggap ng mga trabahador na walang tamang dokumento. Ang balitang ito ay di namin binigyang pansin, ngunit, lumapit sa amin ang ilang pumapasok sa broker na ito kaya nalaman namin ang katotohanan. Ilan sa kanila ay lumapit sa awtoridad at napagalaman na ang roker ay walang lisensya at opisina. Kumalat ang balita at naging delikado ang lagay ng mga walang proper visa. Biglang nawala ang broker at marami ang hindi nakakuha ng sweldo.
Sana ang pangyayaring ito ay magbigay ng aral sa atin. Mag-ingat sa mga mapaglinlang na brokers. Huwag gawing basehan ang laki ng budget o tamis ng mga pangako. MAGSIYASAT!


****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Pelikula

Noong nagsimulang mabuksan ang pinto ng Japan para sa mga Pilipino, ito ay panahon ng sobrang lakas ng ekonomiya ng bansa. Pumasok ang mga negosyanteng Pinoy, pumasok ang mga magagandang Pinay at Pinoy na ipinakilala ang kulturang Pilipinas sa pamamagitan ng sayaw, pagkanta, at ibat-iba pang tradisyon. Hanggang sa tumagal ng tumagal ay marami na rin ang nakapag-asawa ng Hapon, at doon na nagsimulang makita ang kultura ng bansa. Dumaan ang masasaya at malulungkot na karanasan sa bawat nanirahan na dayuhan, una dahil sa ibang lenggwahe, sulat at mga kulturang di masakyan.

Ngayon nandito na po, binuo ng T.G. Eye Co. ang isang pelikula na magbibigay ng lalong mapalawak na kaalaman at mga sagot sa katanungan ng bawat isa po sa atin. binuo po namin ang cast na isasakatuparan at maipakita kung BAKIT at ANO ang MERON sa BANSANG HAPON na tinatawag nilang "Land of the rising sun"


****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Bakit Sinimulan?

Pagdating namin ni inay sa Japan, ay nagulat ako sa ganda at kalinisang nakikita. Samantalang ang bansang pinanggalingan ko at kinagisnan, bansang Pilipinas na hirap subalit ito ay puno ng pagmamahal na di mapantayan ng kahit anong material sa mundo.

Dito po natin natagpuan ang iba't-ibang istorya na may masama at magandang kinahantungan. Mga kabataang lumaki sa Pilipinas iba ang kinagisnan, kinalimutan at ngayon kulturang nakakaiba na pagdating nila dapat matutuhan.

Ikaw ina or ama! Ano ang masasabi mo tama ba o mali ang nakikita mo sa Japan? Kultura na merong maganda at merong tanong na hindi mo masagot sa pinakamamahal na anak na naiwan at pinalaki sa Pilipinas. Abangan po natin ang pelikulang hindi kailan man mapapantayan at pawing makatotohanan o maaring isa ka sa kaparehong istorya. Ito na kami! Ipapakita, ipapaalam at magbibigat ng aral ang pelikulang pag-uusapan... Abangan!


****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Victoria Project Conducts regular acting workshops!

Every Friday and Saturday from 5:00 to 7:00 pm, VictoriaProject holds regular acting workshops which are designedto give the artists an understanding of the rigorous requirements of film acting. The following are the topics included in the workshops:

~Relaxation - how to release tensions that get in the way of acting
~Method - how to act truthfully moment to moment
~Scene Study - how to identify the dramatic beats of the scene and needs of the characters
~Movement- how character and action can be expressed without words
~Voice - use of voice to reveal character
~Acting for camera - how to work on front of the lens, hit marks, use eyelines, create fresh performances for every LIGHTS... CAMERA... ACTION!



****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Munting Kabayaran

Ang buhay ay may hangganan
Ang bagay ay may kasarian
Ang tao ay may kahinaan

Ikaw ba ay mayroong pagmamahal?
Naibinigay sa kapwa mo na inaasahan kundi ang
Makita mo siya na Masaya at maligaya at bukod dun isa na rin siya na pinagpala
Na makatulong rin sa kapwa na
Tawag natin ay munting kabayaran or kapalit(Pay forward)



****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************


UNTITLED

Pagsikat ng araw, nakahiga ka pa at natutulog

Paglubog ng araw ikaw ay nagising at

Tumayo. Saan ka lalagay habang mabubuhay na ang tao ay nabubuhay

Sa madilim na kamunduhan o sa liwanag

Na punong puno ng kasagutan sa bawat

Pagsubok na iyong nararanasan? Maliwanag

Na sinabi at nakikita  na ang tao ay nabubuhay

At dapat mabuhay. Tanawin at harapin ang pagsikat

At paghubog ng Araw para makamtan ang tamang

Sagot sa iyong nararamdaman

Bakit ka nagiisa at nalululngkot sa pang araw-araw

Na pamumuhay? ikaw ba ay nakaharap sa

Isang madilim na ayaw tumanaw sa munting

Liwanag na iyong kinasisilawan. Ang lungkot

At pagiisa ay makakamtan dahil ikaw mismo

Ay nagbubulagan sa bawat katotohanan

Na iyong kinagagalawan at dapat harapin sa

Habang buhay

 

Huwag magdamdam kung ikaw ay nasaktan

Huwag malungkot kung ikaw ay nagiisa

Huwag matakot sa anumang pagsubok

Huwag sarilihin ang bawat ganda at liwanag

Na pinagkalooban. Ito ay ibahagi

Para sa mga nakapaligid na nangangailangan



****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Tsamba Cooking

Miso  SOUP


Mga dapat ihanda:
Rekados: omiso, hondashi, tokwa(tofu), tubig,(mabibili ito sa japanese store )
Mga gamit na kailangan: kaserola, sandok, kalan na me apoy 2: hondashi, ito yung pampalasa sa soup,tokwa( yung fresh) onion licks (ito yung dahon na pahaba na manipis)

PAGLULUTO:

A : Kaserola lagyan ng tubig(depende sa dami ng iinom ng soup kung isang barangay eh TALYASE ang gamitin mo...( dapat buong barangay ba ang bisista mo talaga?! (joke)

B : Pakuluan.... kasama ang sibuyas na puti na gayat. Pagkakulo, ilagay ang hondashi(kalahating kutcharita) baka naman buhos mo yan lahat ha eh maglasang instant soup! heheh...

C : Hayaan mo lang, mga 10 minutes para pasok ang lasa. Tapos lagay na si miso tantsa na lng, mga 5 kutsara...but don`t forget ang tokwa lagay na rin.

D : Hayaan ng mga 5minutes huwag sobra kasi aalat yan pag masyadong matagal pakulo

E : AYAN, ok na lagay na sa bowl, at lagay na yung slice na onion licks sa ibabaw, huwag sa plato. Siguro naman common sense mga dearest, me sabaw yan. Pa sosi, huwag magkamay! hehe... para ma feel mo ang JAPAN, change atmosphere, mag chopstick ka ano! At sabayan mo ng patugtog ng ...kantang "sakura sakura"(alam mo ba yung kantang yan!? So k na feeling mo na hapon ka at maraming snow kaya kailangan uminom ka ng mainit na soup na ang tawag ay MISOSHIROUP!!!


Natto Omelettes:

Ingredients: Natto, So sauce, Eggs, Mayonnaise, Oil at kawali

Pagluluto:
A : Natto - Haluin(Kumakain ka ba nito? Try mo dahil maganda sa katawan to, Health food).
B : I-scramble mo ang itlog at isama ang natto(iningles ko kasi masama sa Tagalog ang scramble word baka ma-error "censored").
C : Habang hinahalo ang Natto at scrambled egg lagan ng toyoDepende sa lasa mo, bahala ka na ok?
D : Isalang ang kawali sa kalan at lagyan ng konting mantika. Oops! baka laga mo lang walang sindi ang kalan ah! Gets mo?
E : Pag mainit na sa kawali, huwag masyadong iluto! pero bahala ka baka tpe mo lutong luto.. ok! Aan na read na laga sa plato at sawsaw sa mayonnaise tapos kain ka na! Tsamaba na naman!
Caution: Natto- makati an kaya punas kaagad pag dumikit sa balat!


Nitsuke

Ingredients:
Fish(any fish, huwag Bangus or Tilapia), Mirin, Toyo, Luya, Water and sugar

Preparations: Wash the fish, slice the lua at Hondashi(Tanong mo na lang sa bibilhan mo), Ilaga sa kaserola(bahala ka na lang kung anong kaserola basta hindi butas)

ILagay ang isda sa tubig, mirin at luya.

Mahinang apoy, hayaang kumulo, at pagsa tingin lumalasa na, lagyan ng toyo at asukal nasa iyo na ang tamang pagtimpla kasi ikaw naman ang kakain diba?

Hayaang matuyo ng konti.. tikman mo at pag nakita mong dikit na ang kulay ng toyo sa isda at medyo gusto mo malapot o hindi ang sarsa, ok na yan, sa tiyan mo naman papasok.

Ayan na! Hain na ng kanin at itong ulam na niluto mo solve na ang isang kainan, hapunan man o tanghalian may ulam ka na, di lang yun luto mo pa.. Tsamba Diba? "ITADAKIMASU"



~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Horoscope

Libra (Sep 23~Oct 22): Ikaw ay nag paparamdam na masyado kang mahiyain... Oops bakit pag humahalakhak ka pati ngala-ngala mo kitang kita? huwag naman baka ikaw ay maging dahong makahiya.

Pisces
(Feb 19 - Mar 20): Ano ba yan, dibdib o bilbil? Kain ka kasi ng kain naku tataba ka o mataba ka na talaga? Dahan dahan ang nguya baka lalong tumaba!

Aries (Mar 21 ~ Apr 19): Sa pag dedesisyon mo huwag kang pa Yes ng Yes at bigla bigla at baka bigla ka din mautangan (ikaw din mahirap maningil)

Taurus (Apr 20 ~ May 20): Daming tropa ah! Galante ka daw eh! Sarap mo, maraming alalay, kaya lang pag wala ka nang datong , friends mo wala na din. (Lungkot na kaya esep esep)

Gemini (May 21 ~ Jun 21): Wow! Isa kang dakilang matulungin, bakit naman ang sarili mo di mo tulungan! Kaya tuloy ikaw ay pinagtatawanan! (Magsuklay ka naman!)

Cancer (Jun 22 ~ Jul 22): Mabait kang tunay. Kahit suni ang mag sabi ikaw ay kakaiba! Kaya lang iba ka talaga nasa loob ang kulo. (Masakit daw kasi ang tiyan mo kaya kulo ng kulo). Buga mo na yan.

Leo (July 23 ~ Aug 22): Ang galing mo talaga! Kinikilala mo muna bago ka makipag-chika(suplado kao tito at tita!) Sabaga, tama yan iwas usog sabi nga ng iba.(lalo ka na pansinin ka ng mga tsismosa)

Virgo (Aug 23 ~ Sep 22): Maganda kang kaibigan sabi ng iba. Madali kang makipagkilala at makisaya(kaya lang comment nila sobra ka pag nairita mukha mo a hindi maipinta).

Scorpio (October 23 ~ Nov 21): Isa kang Heno, desison mo super talaga! kaya lang sobra na ang tiwala mo sa sarili mo (preno konti, magisip ka muna kilala mo pa ba kung sino ka?).

Sagittarius (Nov 22 ~ Dec 21): Smiling face ka at syempre pa very friendly atmosphere. Kaya lang taklesa ka at walang pasintabi pag nag comment(Hinay hinay naman baka may ma-asar, ikaw din!).

Capricorn (Dec 22 ~ Jan 19): Ang galing ng dating mo. Tahimik at Good looking! (Ngek bakit ganun di mo masabi kung ano ang nasa isip mo! Ay wala ka nga pala nun!).



~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* *~*~*~*~*~*~*~

LAST RESPECT
MGA STORYA AT MGA PANGITAIN BAGO PUMANAW ANG ISANG TAO SA MUNDO.

A STORY OF A YOUNG COUPLE A VERY POOR YOUNG COUPLE!

NAGMAMAHALAN, NAGRERESPETUHAN. SUBALIT MAY KAPANSANAN ANG ASAWANG LALAKI. NAGKAANAK NG BABAE, NORMAL. SIMULAN AT TIGNAN PO NATIN ANG MGA BUHAY NA DINADANAS NG IBAT IBANG PAMILYA.

GREG - ANG AMA (NA MAY KAPANSANAN ( BULAG PIPI AT BINGI )

LILIA - ANG INA NA MASIPAG (HALOS IALAY ANG BUHAY PARA SA PAMILYA LAMANG).

LANI - ANG ANAK NA MABAIT AT MATIISIN

BETH - ANG KAPITABAHAY NA MATULUNGIN

TITA - ANG NG AALIPIN NG KAPWA MAY ARI NG TRYCYCLE NA PINAPARAD NI GREG

DITA - ANG KAIBIGAN NI LANI

 

SEQUENCE 1

HABANG PAPAALIS NA SI GREG AY HINABOL NI LILIA. INABOT ANG TINAPAY AT TUBIG NA MALAMIG AT SI LANI AY NAGHAHANDA NAMAN PARA PUMASOK, UMIIYAK NA NAKITA NG INA AT KINAUSAP

SCENE A

GREG: (TUNOG NG MOTOR, PAALIS NA ITO PARA MAMASAHERO).

LILIA: NAGSALITA NG PASENYAS KAY GREG NA NAGSASABI NA ITO ANG TUBIG AT ISANG PIRASONG TINAPA! PARA SA TANGHALIAN MO.

GREG: (SUMAGOT DIN NG PASENYAS AT KONTING TONO NG BIBIG SABAY SARADO NG PINTO)

SCENE B

LILIA: TUNOG NG HAKBANG PAPUNTA SA ANAK

LILIA: ANAK BAKIT KA UMIIYAK? MAY MASAKIT BA SA IYO, ANAK?

LANI: (IYAK AT TUNOG NG SIPON) WLA PONG MASAKIT SA AKIN.

LILIA: AH, GANOON BA? EH BAKIT KA UMIIYAK? MA LA-LATE KA NA SA SCHOOL!

LANI: (IYAK NA MALAKAS) INAY! AYOKO NA PONG MAG-ARAL!

LILIA: ANAK, BAKIT AYAW MONG MAG-ARAL?

LANI: BASTA AYOKO NA PONG MAG-ARAL! AYOKO NANG PUMASOK.

LILIA: SABIHIN MO SA AKIN KUNG BAKIT AT PAPAYAG AKO KUNG TAMA ANG DAHILAN

LANI: (IYAK PA RIN NG IYAK) KASI PO LAGI AKONG TINUTUKSO SA SCHOOL NG MGA KAKALSE KO NA TATAY KO PIPI AT BINGI NAGKWEKWENTUHAN SILA TUNGKOL KAY TATAY AT PINAGTATAWANAN NILA LAGI.

LILIA: NAKU GANUN BA?! HAYAAN MO AT KAKAUSAPIN KO ANG TEACHER MO PARA HINDI NILA PAG KWENTUHAN NG MAKAKASAKIT SA DAMDAMIN MO. KAYA ANAK, PASOK KA NA. PROMISE PUPUNTA AKO SA SCHOOL NIYO BUKAS

LANI: (TUMIGIL NG IYAK) INAY, BAKIT BA BINGI SI TATAY? BAKIT DIN SIYA PIPI? SINUMPA BA SIYA NG NANAY AT TATAY NIYA? O MAY MASAMANG PINAGLIHIHAN ANG NANAY? ANO PO BA ANG NANGYARI  SA KANYA BAKIT SIYA PIPI? BAKIT BA INAY?

SCENE C

LILIA: (NAPATAHIMIK AT NAPATITIG SA ANAK, GUSTONG MAGALIT SUBALIT PINIGIL ITO. DI SUMAGOT KUNDI SINABI SA ANAK NA MAY NAGHIHINTAY SA KANYA SA KANTO NA DALHIN SIYA KUNG SAAN ME MAGPAPALABA NG MGA DAMIT

LILIA: LANI, NAKU HALIKA KA NA SUMABAY KA NA LANG SA AKIN SA KANTO AT ME MAGPAPALABA NGAYON BAKA MA LATE AKO. HALIKA NA ANAK! SAYANG DIN YUN PAG INIWAN KO.

LANI: (TUMAYO AT SABAY BITBIT NG BAG PAMASOK) OPO INAY! TAYO NA PO. PAPASOK NA PO AKO SA SCHOOL.BASTA BUKAS KAUSAPIN NIYO ANG TEACHER KO. TAYO NA PO.

LILIA: OO NAMAN! PROMISE KO YAN.

ITUTULOY...


  1802-5 Kinome, Kawagoe-shi, Saitama-ken, Japan Tel : 049-236-0123  
Copyright 2008 | All Rights Reserved | Victoria Project Co., Ltd.

****************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************